Love Bombing Ba To’?

January 14, 2025

It’s getting lonely here. Naalala ko pa ‘yung dati, kung gaano ako ka-excited mag-check ng phone—hoping to see your name pop up, waiting for a message that never comes anymore. Are we losing what we had, little by little? Love isn’t just a word; it’s a feeling. Pero lately, parang wala na akong maramdaman.

Ako na lang ba ang kumakapit? Para saan pa? Binigay ko sa ‘yo ‘yung kapangyarihang pasayahin ako, ‘yung ability na magparamdam ng “mahalaga ka,” pero ngayon, kaduda-duda tuloy lahat. Totoo ba ‘to, o kunwari lang? Nakakatakot isipin na baka noong una, love bombing lang ang lahat—punong-puno ng pambobola at atensyon na biglang naglaho.

Nasan na ‘yung dating ikaw na may oras at ganang kumustahin ako? Nasan na ‘yung gigil mong ipakita na hindi ako nag-iisa sa lahat ng laban ko sa buhay? Bakit parang ako na lang ang sumusuyo, ako na lang ang humihila nang walang kapalit na effort mula sa ‘yo?

Hindi madali ‘tong mga tanong na ‘to kasi umaasa pa rin ako. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na baka busy ka lang, baka may pinagdadaanan kang hindi mo masabi, baka kailangan lang kitang intindihin nang mas malalim. Pero hangga’t wala kang ginagawa para i-save ‘tong relasyon na ‘to, paano ko masasabing totoo pa ‘yung “tayo”?

Gusto ko sana malaman kung nananatili pa ‘yung pagmamahal o kung natuyot na siya sa tagal ng walang paramdam. Kailangan ko ng kasiguruhan, isang simpleng “nandito pa ako para sa ‘yo” na may kasamang gawa, hindi lang salita. ‘Di na sapat ‘yung mga pangako kung wala naman akong nakikitang konkretong hakbang galing sa ‘yo.

Kaya ngayon, tanong ko ulit sa sarili ko: Ako ba ‘tong nagpapakamartir sa isang bagay na baka wala na talagang patutunguhan? Nagpapasalamat ako sa masasayang alaala—pero kung hindi mo na kayang panindigan ang mga sinimulan mo, bakit ko pa pipiliin na manatili?

Hindi dapat ganito ang pag-ibig. Dapat ramdam mo siya kahit anong mangyari, dapat may pag-aalaga kahit sa maliliit na bagay. Kung kulang na talaga, at kung lahat ng ito ay puro “paasa” lang, siguro panahon na para unti-unti kong tanggapin na hindi lahat ng “mahal kita” ay totoo.

I’m tired of feeling alone when I’m supposed to be in love. I’m tired of questioning if the bond we had was ever real. At the end of the day, gusto ko lang ng kasiguruhan: Totoo ba? O hanggang salita ka lang? Kung ayaw mong ipaglaban ‘to, sana ipaalam mo na. Dahil hindi ko na kaya ‘yung kumakapit sa walang kasiguruhan, habang unti-unti akong nauubos.

Kung mahal mo pa ako, ipakita mo. If not, set me free. Masakit man, mas mabuti nang masaktan nang minsanan kaysa patuloy na nabubuhay sa pag-asang hindi mo naman kayang punan.